Higit 279,000 kumuha ng Civil Service Exam

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2019 07:01 PM

Nagpaabot ng mensahe si Aileen Lizada, commissioner ng Civil Service Commission, sa mga kukuha ng Civil Service Exam. ABS-CBN News

Aabot sa 279,410 tao ang kumuha ngayong Linggo ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) o tinatawag ding Civil Service Exam, ayon sa Civil Service Commission (CSC).

Ang naturang pagsusulit ay kinukuha ng mga nais magkaroon ng trabaho sa gobyerno.

Sa kaniyang mensahe sa mga kumuha ng pagsusulit sa isang testing site, sinabi ni Aileen Lizada, commissioner sa CSC, na mas magandang kuhanin ang pagsusulit habang nag-aaral pa o bagong graduate.

"I'm encouraging those who are fresh graduates or those who are still studying, you take the CSC exam kaagad habang fresh pa," ani Lizada.

Isa sa mga kumuha ng pagsusulit si Mike Val Vincent Untalan.

Sinabi niyang sisikapin niyang pumasa para makapagtrabaho sa gobyerno.

Higit 200 naman sa mga kumuha ng pagsusulit ay persons with disability.

Hindi naman pinayagang makapasok sa testing center ang mga late. -- Ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.