Bahagi ng palengke sa Catarman nasunog; halaga ng pinsala nasa P2 milyon

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2019 10:17 AM

CATARMAN, Northern Samar -- Naabo ang nasa P2 milyon halaga ng paninda at kagamitan matapos masunog ang ilang tindahan sa public market ng bayan na ito, Sabado. 

Hinihinalang problema sa kuryente ang sanhi ng sunog na nagsimula sa isang gusali at kumalat sa hilera ng mga tindahan, pasado alas-8 ng gabi, ayon sa pulisya. 

Rumesponde ang mga bombero ng Catarman at mga karatig bayan sa apoy na naapula alas-12:15 Linggo ng madaling-araw. 

Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.