Tanod patay sa pamamaril sa Cotabato City

Arianne Apatan at Noel Elvena, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2018 05:13 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Kuha ng Cotabato City Police Station 1

COTABATO CITY - Patay ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa Mother Barangay Poblacion dito Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Nasrudin Salagunda Samad alyas Dodz, 38. 

Ayon sa pulisya, nakaupo lang umano ang biktima sa tindahan na pagmamay-ari ng barangay kapitan nang pagbabarilin.

Samantala, sa isang kuha ng CCTV, makikitang casual lang na naglakad ang gunman matapos ang ginawang krimen.

Isinukbit pa nito sa kaniyang tagiliran ang dalang baril.

Nakasunod naman sa kaniya ang kasabwat sa pamamaril na nakasuot ng itim na t-shirt.

Sa isa pang kuha ng CCTV, nakitang tumatakbo ang nakasombrerong gunman.

Ayon sa pulisya, sumakay umano sa bangka ang dalawang lalaki papunta sa direksiyon ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Tukoy na umano ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na nasa likod ng pamamaril at ngayon at patuloy na tinutugis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.