Pampasaherong eroplano bumagsak sa Plaridel, Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2018 12:59 PM | Updated as of Mar 17 2018 02:43 PM

MANILA (UPDATE) - Bumagsak ang isang pampasaherong eroplano sa Plaridel, Bulacan nitong Sabado ng umaga.

Isang Piper PA-23 Apache na eroplano ng Lite Air Express ang bumagsak sa isang residential area, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
 

Sa ngayon ay hindi pa alam ang kalagayan ng 4 na pasahero at 2 piloto ng eroplano.

Ayon kay Chief Insp. Agustin Joseph ng Plaridel Police, ang binagsakan ng eroplano ay isang bahay kung saan may pamilyang kumakain umano ng tanghalian.

Hindi pa alam ang kalagayan ng pamilya.

Papunta sanang Laoag ang eroplano na umalis ng Plaridel Airport alas-11:21 ng umaga.

Pinuntahan na ng CAAP ang lugar na pinagbagsakan ng eroplano at iniimbestigahan na ang insidente.

I-refresh ang pahinang ito para sa iba pang detalye.

-ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.