Estudyante, nahulihan ng marijuana sa Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2018 06:00 PM

COTABATO CITY - Timbog ang isang estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa Sinsuat Avenue dito sa lungsod, Biyernes.

Nakuha mula sa 18-anyos na high school student ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa dyaryo.

Ayon sa suspek, ulila na siya sa ama at walang trabaho ang kaniyang ina kaya't kailangan niyang magbenta ng droga para pangtustos sa kaniyang pag-aaral.

"Kailangan ko lang talaga ng para sa paaraalan. Kinukuha ko lang rin ang supply nito. Sobrang nagsisisi ako bakit ko pa ginawa 'to," sabi ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.