Tricycle driver na tulak umano ng droga, arestado sa Quezon City

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2017 08:07 AM

MANILA - Hindi na nakapalag pa nang arestuhin sa buy-bust operation ang tricycle driver na si Dennis Gatus.

Naaresto ito Huwebes ng gabi sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City matapos maaktuhang nagbebenta sa poseur buyer na nagpanggap na pasahero.

Isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P300 ang ibinenta umano ni Gatus sa posseur buyer. At nang kapkapan, apat na sachet pa ang narekober sa kanya.

Walang maibigay na ID ang suspek kaya aalamin pa kung ang ibinigay niyang pangalan ay tunay. Wala ring papeles ang ginagamit nitong tricycle.

Ayon sa pulisya, sa Cambridge dumadayo ang kanyang mga parokyano na kapwa tricycle driver at mga pasahero. Inaalam na rin kung nagbebenta ito sa mga estudyante.
 
Ang supplier umano niya ng droga ay taga ibang barangay at nakakarating pa ng Malabon ang pagtutulak ng suspek. – Umagang Kay Ganda, 17 Marso 2017, Biyernes