Mga manggagawa, nangalampag sa tanggapan ng DOLE

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2017 12:15 PM

Sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment ang ilang mga manggagawang kontra sa bagong department order na layong wakasan ang "endo" o kontraktwalisasyon.

Bukod sa panghahampas sa pinto ng opisina ng DOLE, pinagbabato rin ng mga manggagawa ng itlog ang logo ng kagawaran.

Hiling nilang ibasura ang Department Order 174, kung saan naka-lista ang 11 mga gawain ng mga employer na hindi na umano puwede.

Giit rin ng ilang mga labor group na nag-protesta nitong Huwebes na dapat nang bumaba sa pwesto si Labor Secretary Silvestre Bello III na anila'y sumuway sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang wakasan ang "endo."

Sa "endo," tinatapos ang kontrata ng mga manggagawa bago pa sila maging regular, dahilan kung bakit walang mga benepisyo ang karamihan ng manggagawa.

-- With reports from Dennis Datu, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.