Benham Rise expedition, kasado na sa 2018

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2017 12:44 PM

Photo courtesy of Oceana

Isang ekspedisyon na magsasaliksik tungkol sa likas na yaman sa Benham Rise ang itinakda ng pamahalaan sa susunod na taon.

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Dr. Cesar Villanoy, pinuno ng Benham Rise Program ng Department of Science and Technology, posibleng sa Abril o Mayo ng 2018 gawin ang ekspedisyon upang matiyempuhan ang magandang panahon ng pagsisid.

Ayon kay Villanoy, ang ekspedisyon ay tututok muna sa Benham Bank na mababaw na parte ng continental shelf, bago nito siyasatin ang malalim na bahagi ng Benham Rise na aabot sa 5,000 metro.

Sa pagtaya ni Villanoy, aabot sa P5 milyon ang kailangang pondo para sa pagsasaliksik sa Benham Rise.

Nauna nang magpadala ang China ng mga research vessels sa lugar matapos umano makatanggap ng basbas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.