Evacuees sa Nabunturan, Davao de Oro umabot na sa mahigit 700 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Evacuees sa Nabunturan, Davao de Oro umabot na sa mahigit 700

Evacuees sa Nabunturan, Davao de Oro umabot na sa mahigit 700

ABS-CBN News

Clipboard

Umabot na sa mahigit 700 ang evacuees na pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Brgy. Mainit Gym, Nabunturan, Davao de Oro dahil sa sunod-sunod na lindol at pag-ulan sa lugar mula noong Marso 7. Larawan mula kay Jaybon Bonhart Tano

Umabot na sa mahigit 700 ang evacuees na pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Brgy. Mainit Gym, Nabunturan, Davao de Oro.

Lumikas ang evacuees mula Brgy. Inupuan nang makaranas sila ng magkakasunod na lindol nitong Marso 7, ayon kay barangay captain Mark Anthony Chan.

Nadagdagan aniya ang tao sa evacuation center at umabot na sa mahigit 700 nang lumikas din ang mga natitirang residente sa bundok dahil sa takot sa landslide na bunsod naman ng mga pag-ulan na dala ng low pressure area noong Marso 13.

Makikita sa padalang mga larawan ni Bayan Patroller Jaybon Tano na natabunan ng gumuhong lupa ang ilang bahay sa parte ng barangay na apektado ng landslide.

ADVERTISEMENT

Nagpadala rin ang patroller ng larawan ng sitwasyon ng mga lumikas.

Ayon naman kay Jennifer Echavez, head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Nabunturan, patuloy ang assessment sa mga apektadong barangay.

Aniya, wala namang naitalang nasaktan at mas prayoridad nila ngayon kung paano nila itatawid ang pang-araw-araw na pangangailangan ng evacuees.

Dagdag niya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa opisina ni Davao De Oro Governor Dorothy Gonzaga para tustusan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Noong Marso 13, isinailalim sa state of calamity ang Nabunturan sa bisa ng resolution ng Sangguniang Panlalawigan ng Davao de Oro.

Samantala, ayon naman sa Facebook post ng Nabunturan LGU, nananatiling nasa modular o blended learning method ang mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.