PatrolPH

2 hinihinalang rebelde patay sa engkuwentro sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2022 12:53 PM

Patay ang 2 hinihinalang rebelde matapos umanong maka-engkuwentro ng pulisya umaga ng Miyerkoles sa bayan ng Jiabong, Samar.

Ayon sa ulat ng pulisya, 6 na armadong tao ang namataan sa Barangay Alejandria bandang alas-2 ng madaling araw.

Agad rumesponde ang mga pulis at sundalo, na pinaputukan umano ng mga armado kaya gumanti ang mga ito.

Nasawi sa barilan ang 2 hinihinalang kasapi ng New People's Army habang nakatakas naman ang 4 nilang kasamahan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.