PatrolPH

Siklista patay matapos mabangga ng trak sa Tacloban City

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2021 04:32 PM | Updated as of Mar 17 2021 01:21 PM

Siklista patay matapos mabangga ng trak sa Tacloban City 1
Nabangga ng isang trak ang siklista sa Barangay Caibaan sa Tacloban City. Patay na ito nang madatnan ng rescuers. Larawan mula kay Dominic Abrematea

Patay ang isang siklista matapos mabangga ng trak sa Maharlika Highway, Barangay Caibaan sa Tacloban City, Martes ng umaga.

Nakunan ng larawan ni Dominic Abrematea ang aksidente nang mapadaan siya sa lugar alas 10:30 ng umaga.

Sa inisyal na report, nabangga ng trak ang biktima na kinilalang si Lourine Mae Superable, isang residente ng Jaro, Leyte.

Wala na itong buhay nang datnan ng rescuers.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.