PatrolPH

10-buwang gulang na sanggol, 2 kaanak, tumilapon matapos salpukin ng motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2021 03:44 PM | Updated as of Mar 16 2021 05:28 PM

10-buwang gulang na sanggol, 2 kaanak, tumilapon matapos salpukin ng motorsiklo 1
Kita sa kalsada ang tatlong biktima, kabilang ang 10-buwang gulang na sanggol, matapos na salpukin ng humaharurot na motorsiklo sa Dagupan City. Larawan mula sa CCTV footage ng Uson Pigar-Pigar

DAGUPAN CITY - Viral ngayon sa social media ang pagkakabangga ng isang motorsiklo sa tumatawid na magkamag-anak noong Marso 11.

Sapul sa CCTV ang pagtawid ng mag-anak na papunta sa kainan nang biglang sumalubong ang humaharurot na motorsiklo.
 
Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-ama at pamangkin.

Sumemplang din ang driver ng motorsiklo, bumangon at agad umalis matapos ang insidente. 

Sa imbestigasyon, kinilala ang mga biktima na sina Crizha Cril Muñoz, Ronald Beltran, at ang kasama nilang 10-buwang gulang na sanggol.

Nakalabas na ng ospital ang mga biktima, kabilang ang sanggol.
 
Patuloy naman na pinaghahanap ng awtoridad ang driver ng motorsiko na tinakbuhan ang mga biktima.

Nananawagan din ng tulong sa publiko ang pamilya ng mga biktima para sa pagkakakilanlan sa driver. 

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Elaine Fulgencio-Español 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.