PatrolPH

Ama arestado sa panunuhol sa pulis para mapalaya ang drug suspect na anak

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2021 07:41 PM


Arestado noong Linggo sa Mandaue City, Cebu ang isang 65 anyos na ama matapos umanong tangkang suhulan ang pulisya para mapalaya ang kanyang anak na nakakulong dahil sa droga.

Kinilala ang suspek na si Jose Gumban at isa umanong arkitekto at negosyante. 

Ang anak naman nito ay si John Andres Gumban, na naunang nahuli sa isang buy-bust operation.

Sa ulat ng pulisya, tinangka umanong suhulan ni Jose ang pulis na si Lt. Alex Lagarto ng P150,000 para iatras ang kaso at mapalaya si John. 

Tumanggi ang pulis at doon na inaresto ang ama.

Kasong paglabag sa Art. 212 ng Revised Penal Code (Corruption of Public Official) ang isinampa sa suspek. 

Nakakulong ngayon sa Cebu City Police Office station 2 si Jose. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.