PatrolPH

6 tiklo sa drug den sa Zambales

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2021 09:05 AM

6 tiklo sa drug den sa Zambales 1
Bukod sa pagkakaaresto sa anim, narekober din ng awtoridad ang 5 hinihinalang shabu sa drug den sa Zambales. Larawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-3

Sinalakay ng anti-narcotic operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III Zambales Provincial Office at ng mga pulis ang itinuturong drug den sa Purok 5, Matain, sa bayan ng Subic, Zambales Lunes ng gabi.

Timbog ang anim na suspek na kinilalang sina alyas Jo, Bien, Dom, Gani, Lin at Cess.

Nakuha sa 6 ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P140,000 ang street value.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 6 na nahuli.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.