PatrolPH

57 timbog sa ilegal na sugal sa Central Luzon

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2021 05:26 AM

Nasa 57 ang nahuli ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation sa iba't-ibang probinsya sa Central Luzon nitong weekend.

Karamihan nahuli sa aktong naglalaro ng tong-its, pusoy, sabong o tupada, STL bookies, at mahjong.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang ilang sets ng baraha at mahjong, mga booklet, at 18 buhay na manok panabong, kasama na ang 13 tari ng mga ito.

Kinumpiska rin ang nasa P121,389 halaga ng perang pangtaya.

Kinasuhan na ang mga nahuli ng paglabag sa Presidential Decree 1602, o pagsusugal ng ilegal.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.