Bahagi ng itinatayong gusali sa Makati nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2020 03:30 PM

MANILA - Nasunog ang bahagi ng isang itinatayong gusali sa kanto ng EDSA at Ayala Avenue sa Makati, Lunes. 

Hindi pa natutukoy ang sanhi ng sunog na nagsimula sa ika-7 palapag ng One Ayala building, dakong alas-2 ng hapon. 

Agad namang naapula ang sunog at nailikas ang mga construction worker. Walang naiulat na nasaktan sa insidente. 

Ang 2.8-ektaryang One Ayala ay nakatakdang magkaroon ng 3-palapag na transportation terminal, 2 office towers, isang retail center, isang residential condominium at isang hotel, ayon sa website ng developer nitong Ayala Land. 

Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.