Suplay ng tubig sa ilang parte ng Kamaynilaan naibalik na

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2019 02:39 PM

MAYNILA - Unti-unti nang bumabalik ang suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang higit isang linggong water interruption sa mga lugar na sineserbisyohan ng Manila Water. 

Partikular na rito ang ilang bahagi ng Mandaluyong na isa sa pinakamatinding tinamaan ng water shortage. 

Sa ilang serye ng mga tweet, sinabi ng Manila Water na may tubig na sa mga sumusunod na lugar: 

MANDALUYONG (mula kahapon, Marso 15):
• Barangay Malamig
• Barangay Plainview
• Barangay Hulo
• Barangay Mauway 

PASIG
• Number 19 Lakeview, Brgy. Bagong Ilog
• Felpris Compound, Number 1 Lakeview, Brgy. Bagong Ilog
• Barangay Kapitolyo

Mayroon na ring suplay ng tubig sa Kawilihan Village, Brgy. Bagong Ilog sa Pasig pero nag-abiso ang Manila Water na maaaring mas matagal pang bumalik ang normal na suplay sa mas matataas na lugar. 

QUEZON CITY
• Philippine Blood Center
• Lung Center of the Philippines
• St. Luke's Medical Center

May tubig na rin sa mga sumusunod na ospital sa Quezon City ngunit may nakabantay pa rin na mga tanker kung sakaling mawalan uli ng suplay. 

• East Avenue Medical Center
• Philippine Heart Center
• Philippine Children's Medical Center
• Veterans Memorial Medical Center
• Quirino Memorial Medical Center
• National Kidney Transplant Institute

Una nang nagpaalala ang Manila Water na may oras kung kailan magkakaroon ng tubig araw-araw sa maraming barangay sa siyam na mga lungsod na sineserbisyohan nila. 

Nilinaw din nila nitong Biyernes na hindi lalagpas sa tag-init ang mga serye ng water interruption. 

Nagkulang ang suplay ng tubig ng Manila Water dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam, ang emergency source nito, sa gitna ng kawalan ng ulan, at pagtaas ng pangangailangan ng mga konsumer. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.