67 timbog sa mga operasyon kontra droga sa Metro Manila

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2019 04:41 PM | Updated as of Mar 16 2019 05:04 PM

MAYNILA - Kalaboso ang 67 katao matapos ang 24 oras na operasyon kontra droga sa Kamaynilaan.

Ayon kay Metro Manila Police chief Guillermo Eleazar, 35 anti-drug operation ang ikinasa simula alas-5 ng umaga Biyernes hanggang alas-5 ng umaga Sabado. 

Pinakamarami ang naaresto sa Southern Police District kung saan naaresto ang 28 kawatan, sumunod ang Quezon City Police District na may 22, 11 sa Northern Police District, 4 sa Manila Police District, at 2 naman sa Eastern Police District. 

Bukod sa anti-illegal drugs operation, tuloy pa rin ang kampanya laban sa mga lumalabag sa ordinansa. 

Simula Hunyo 2018 hanggang Marso 16, umabot na sa halos 830,000 ang nasita sa paglabag sa mga city ordinance. 

Nauna nang sinabi ni Eleazar na ang pagsita sa mga lumalabag sa mga ordinansa ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa Metro Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.