SAPUL SA CCTV: Silogan, hinoldap ng riding-in-tandem sa Taguig

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2018 08:23 AM | Updated as of Nov 28 2018 09:33 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nakuhanan ng CCTV ang panghoholdap ng 2 lalaking naka-motorsiklo sa isang silogan sa Taguig City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Ang mga holdaper ay may suot na helmet, naka-jacket, at nakatakip ang mukha ng surgical mask. 

Unang bumaba ang angkas na nag-astang magtatanong sa tindahan.

Pero bigla itong lumapit sa mesa ng 5 magkakaibigan at pinaghahablot ang mga hawak nilang cellphone.

Lumapit din ang drayber na may hawak na baril at kinapkapan ang ibang mga nakaupo.

Tumagal lang ng wala pang isang minuto ang insidente kung saan tinangay ng mga holdaper ang 3 cellphone at isang wallet.

Kuwento ng mga biktima, nakita nilang dumaan ang mga holdaper sa silogan mga 15 minuto bago ang panghoholdap.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.