Lalaki, sugatan matapos barilin ng riding-in-tandem sa Caloocan

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2018 09:47 PM

Sugatan ang 1 lalaki matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Rizal Avenue kanto ng 3rd Avenue, Caloocan nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na isa aniyang pulubi sa lugar.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang pamamaril dakong alas-4:30 ng hapon.

Nakatambay umano ang biktima sa kalsada nang biglang daanan ng riding-in-tandem na naka-jacket at face mask.

Binaril ang biktima sa kaliwang balikat at braso ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.

Agad na idinala ang biktima sa ospital ng kaniyang kapatid kasama ang Caloocan rescue personnel.

Nagpapagaling pa sa ospital ang biktima habang tinutugis ng mga pulis ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.