Labi ng umano'y rebelde, natagpuan sa Agusan del Sur

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2018 04:50 PM | Updated as of Nov 29 2018 10:07 PM

BUNAWAN, Agusan del Sur – Kalansay na nang matagpuan ang mga labi ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Road 1K, Barangay Bunawan Brooks dito, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa 75th Infantry Battalion ng Philippine Army, kasamang nakuha sa lugar ang isang AK-47 rifle, 5 magazines at mga bala.

Natunton ito dahil sa ibinigay na impormasyon ng mga residente doon. Kinain na umano ng mga hayop ang bangkay kaya naging halos kalansay na ito nang madiskubre.

Ayon kay Lt. Col. Jaime Datuin, ang mga labi ay sa nawawalang NPA member na naka-engkuwentro ng mga sundalo noong Pebrero 18 at iniwan na lang ng mga kasamahan.

Agad ding inilibing ang bangkay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.