5 lalaking nanggulpi sa pulis, binugbog umano sa kulungan

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2018 11:19 AM

Bugbog-sarado ang 5 lalaking nanggulpi sa isang pulis matapos silang sumuko sa mga awtoridad.

Kinumpirma ng sources mula sa Manila Police District (MPD), Biyernes, na binugbog umano ng ibang preso ang 5 lalaki matapos silang pansamantalang ikulong sa MPD Station 5.

Sumuko ang mga suspek sa mga awtoridad matapos pagtulungang gulpihin si PO1 Christopher Pizzaro noong Huwebes.

Ayon sa mga lalaki, binugbog nila ang pulis matapos umano silang angasan at paputukan ng baril sa paa.

Kusang sumuko ang mga lalaki sa isang barangay sa Pandacan upang ibalik ang baril ng pulis na nakuha nila.

Ayon mga opisyal ng MPD, inilipat na sa MPD headquarters ang 5 lalaki na maaaring maharap sa kasong physical injuries.

- ulat mula kay Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.