Umano'y nanloob sa pawnshop, patay sa 'sagupaan'

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2017 08:26 PM | Updated as of Mar 16 2017 10:19 PM

Patay ang isa umanong miyembro ng "Termite Gang" sa Calaca, Batangas matapos makasagupa ng mga pulis.

Pasado ala-una ng hapon ng Miyerkules nang itawag sa Calaca Police Station ang akto ng pagnanakaw na nakita sa CCTV ng isang pawnshop. 

May dalawa umanong lalaki na nagawang makapasok sa loob ng pawnshop sa pamamagitan ng paghuhukay patungo sa loob ng mismong sanglaan. 

Nang nasa loob na ng establisyimento, binuksan ng dalawa ang vault gamit ang acetylene. Nagawang makakuha ng mga suspek ng mga cellphone, laptop at iba pang mga gadget. 

Nagkasa ng operasyon ang Calaca PNP para mahuli ang mga suspek. Dito nakaengkwentro ng mga pulis ang mga suspek na papatakas pa lamang noong mga oras na iyon.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang isa sa mga suspek na isinugod sa ospital pero hindi na ito umabot nang buhay. Nakatakas naman ang kasamahan nito.

Parehong wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.