15-anyos na lalaki nahulihan ng shabu sa Palawan

Diana Lat, ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2017 07:43 AM

PUERTO PRINCESA CITY - Isang 15-anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng kanyang wallet Biyernes ng madaling araw.

Namataan ng mga pulis ang binatilyo sa Purok Masaya, Libis Road, Barangay San Pedro at nakitaan ng pinaghihinalaang droga matapos kapkapan.

Itinanggi naman ng binatilyo na sa kanya ang wallet kung saan nakatago ang umano'y shabu.

Dinala naman ang binatilyo sa istasyon ng pulis upang kausapin ng Women and Children's Protection Desk at kalaunan ay ie-endorso sa Department of Social Welfare and Development.