PatrolPH

Metro Manila, 47 iba pang lugar nasa Alert Level 1 hanggang katapusan ng Marso

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2022 08:21 PM

MAYNILA - Mananatili sa Alert Level 1 ang Metro Manila, kabilang ang 47 iba pang lugar hanggang katapusan ng Marso, anunsiyo ng Malacañang nitong Martes. 

Bukod sa Metro Manila, ilalagay din sa Alert Level 1 ang mga sumusunod na lugar: 

  • Abra
  • Apayao
  • Baguio City
  • Kalinga
  • Dagupan City
  • Ilocos Norte 
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Batanes
  • Cagayan
  • City of Santiago, Isabela
  • Quirino
  • Angeles City
  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Olongapo City
  • Pampanga
  • Tarlac
  • Zambales
  • Batangas
  • Cavite
  • Laguna
  • Lucena City
  • Marinduque
  • Puerto Princesa City 
  • Romblon
  • Naga City
  • Catanduanes
  • Aklan
  • Bacolod City
  • Capiz
  • Guimaras
  • Iloilo City
  • Cebu City
  • Siquijor
  • Biliran
  • Ormoc City
  • Tacloban City
  • Zamboanga City
  • Cagayan de Oro City
  • Camiguin
  • Davao City
  • Butuan City

Ang mga hindi naman nabanggit na lugar ay ilalagay sa Alert level 2 mula Marso 16 hanggang Marso 31. 

Matatandaang pinag-iisipan ng mga awtoridad ang posibilidad ng pagkakaroon ng "Alert Level 0" o alert level na mas maluwag sa Alert Level 1. 

Pero tutol pa sa ngayon ang ilang eksperto dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.