Pulis patay sa aksidente sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2021 12:47 AM

Patay ang isang pulis matapos maaksidente habang sakay ng motorsiklo sa bayan ng Maayon, Capiz noong gabi ng Sabado, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ang nasawi bilang si Police Executive Master Sergeant Andeny Bornales, na nadisgrasya sa may Barangay Indayagan.

Ayon sa imbestigasyon ng Maayon police, walang early warning device ang madilim na bahagi ng ginagawang kalsada sa lugar.

Kaya nang mapadaan umano ang pulis habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, biglang nawalan ng ito ng kontrol at sumemplang.

Dinala si Bornales sa Bailan District Hospital pero idineklara ring dead on arrival.

Hindi pa tiyak kung kakasuhan ng pamilya ni Bornales ang contractor ng ginagawang kalsada.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.