PatrolPH

Mga miyembro ng PISTON 6, nahaharap pa rin sa kasong disobedience

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2021 11:47 AM | Updated as of Mar 15 2021 12:20 PM

Mga miyembro ng PISTON 6, nahaharap pa rin sa kasong disobedience 1
Nahaharap pa rin sa kasong simple disobedience ang mga miyembro ng PISTON 6, ayon sa abogado nila nitong Lunes. George Calvelo, ABS-CBN News/file

MAYNILA - Nahaharap pa rin sa kasong simple disobedience ang mga miyembro ng PISTON 6, ayon sa abogado nila nitong Lunes.

Inaresto ang mga jeepney driver noong Hunyo dahil sa paglabag umano sa quarantine protocols habang nagkikilos-protesta sa kawalan ng ayuda mula sa gobyerno.

Patuloy ang pagpunta nina Elmer Cordero at Reuben Baylon sa pagdinig ng korte ng Caloocan sa kaso, ayon kay Atty. VJ Topacio.

"Sana po i-atras na sana ang kaso at kawawa naman ang mga kapatid natin...Nagoffer ang mga police na aaminin na lang namin para bayaran 'yung fine pero sila tatay ayaw nila. Wala raw silang ginawang mali at totoo namang wala silang ginawang mali," aniya sa Teleradyo.

Karamihan sa mga jeepney driver ay hindi pa rin nakatatanggap ng ayuda, ayon kay Baylon.

"Ang nangyari parang pinapasa-pasa. Lahat 'yun kinomply namin. Merong nabigyan pero mas maraming wala dun sa masterlist na binigay namin," aniya.

Nakakaraos kahit papaano at hindi na namamalimos ang mga miyembro ng grupo, ani Cordero.

"Hindi, baka makulong na naman kami eh," aniya.

"Minsan gagawa-gawa pa rin ako ng jeep minsan. Meron nga kaming tindahan, isipin mo isipin taon na wala naman akong trabaho, dun na namin kinukuha pagkain namin."

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.