#WalangPasok: Klase sa ilang mga lalawigan, suspendido dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2020 11:57 PM

MAYNILA — Ilang lokal na pamahalaan ang nagkansela ng pasok sa eskuwela sa kanilang mga lugar bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Unang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok hanggang Abril 12, 2020 sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Metro Manila bilang paghahanda sa pagsasailalim nito sa "community quarantine."

Maliban sa buong National Capital Region, narito ang listahan ng mga lugar na suspendido ang klase:

  • BATANGAS (buong lalawigan, hanggang Abril 14)
  • BULACAN (buong lalawigan, hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • BAGUIO CITY (hanggang Marso 22)
  • CAMARINES SUR (hanggang Marso 29)
    - Naga City (hanggang sa susunod na abiso)
  • CAMARINES NORTE
    - Basud (hanggang Marso 29)
    - Daet (hanggang sa susunod na anunsiyo)
    - Labo (hanggang sa susunod na anunsiyo)
    - Talisay (hanggang Marso 29)
    - Virac (hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • CAVITE (buong lalawigan, hanggang Abril 14)
  • COTABATO
    - Arakan (simula Marso 16 hanggang 22)
    - Cotabato City (simula Marso 16 hanggang sa susunod na anunsiyo)
    - Kabacan (simula Marso 16 hanggang 29)
    - Kidapawan City (simula Marso 16 hanggang 22)
    - Libungan (simula Marso 16 hanggang 22)
    - Magpet (simula Marso 16 hanggang 22)
    - Makilala (simula Marso 16 hanggang 22)
    - Matalam (simula Marso 16 hanggang Abril 12)
    - President Roxas (simula Marso 16 hanggang 22)
  • EASTERN SAMAR (simula Marso 16 hanggang Marso 31)
  • ILOCOS SUR (buong lalawigan, hanggang Abril 12)
  • ILOCOS NORTE (buong lalawigan, hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • LAGUNA (simula Marso 16 hanggang 20)
    - Biñan (hanggang Abril 14)
    - Sta. Rosa (simula Marso 16 hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • LANAO DEL SUR (hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • MAGUINDANAO (simula Marso 16 hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • NORTHERN SAMAR (simula Marso 16 hanggang Marso 20)
  • ORIENTAL MINDORO (buong lalawigan, hanggang Marso 25)
  • PAMPANGA (simula Marso 16 hanggang sa susunod na anunsiyo)
  • QUEZON (simula Marso 16 hanggang 27)
  • RIZAL (simula Marso 16 hanggang 19)
  • SAMAR (simula Marso 16 hanggang Marso 31)
  • TACLOBAN CITY (hanggang Marso 20)

Itinaas sa Code Red Sub-level 2 ang alarma ng kalusugan bilang hakbang laban sa pagkalat ng sakit na COVID-19.

Nilinaw rin ng Pangulo na patuloy na mag-aaral ang mga estudyante sa kanilang mga bahay habang walang pasok sa mga paaralan.

Tutulong din ang pulisya at mga lokal na opisyal para maipaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon, ayon kay Duterte.

Sa huling tala ng Department of Health nitong Biyernes ng gabi, umabot na sa 64 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas.