TINGNAN: Taxi driver sa Cagayan de Oro, gumawa ng sariling proteksyon laban sa COVID-19

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2020 05:29 AM | Updated as of Mar 15 2020 07:36 AM

CAGAYAN DE ORO CITY - Kakaibang estilo ng pagqua-quarantine ang naisip ng isang taxi driver dito sa lungsod upang ma-proteksyonan ang sarili laban sa COVID-19 habang namamasada.

Imbis na magsuot lang ng face mask, binalutan ng driver ng plastic ang isang bahagi ng taxi na nasakyan ng pasaherong si Bryan Salem.

Photo courtesy of Brian Salem

Photo courtesy of Brian Salem

Photo courtesy of Brian Salem

"Na-amaze lang mi ba kay wala kaayo na diri sa kuan, unusual kaayo”, sabi ni Salem sa isang panayam sa ABS-CBN News.

(Namangha lang kami dahil wala ito dito, unusual siya.)

Hindi niya pinangalanan ang naturang driver.

Patuloy na pinag-iingat ng gobyerno ang publiko laban sa banta ng COVID-19.

Namatay ang isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa Cagayan de Oro City noong Marso 13. 

Ang naturang pasyente ay isa sa 8 taong binawian ng buhay dahil sa coronavirus sa Pilipinas, habang may 103 iba pa ang tinamaan na rin ng nakakahawang sakit na nag-umpisa sa Wuhan, China.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.