Lalaki patay, 10 sugatan sa naaksidenteng dump truck sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2020 07:11 PM | Updated as of Mar 16 2020 07:13 AM

Patay ang isang lalaki habang 10 ang nasugatan matapos mawalan ng preno at maaksidente ang isang dump truck sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte.

Nawalan umano ng preno ang truck -- na may 21 sakay at galing Barangay Dipilat -- at nabangga sa may bundok sa tabi ng kalsada noong Biyernes.

Kabilang sa mga nasugatan si Allan Pillos, na nagtamo ng tahi sa ulo at sugat sa mga paa.

Puno rin ng sugat sa mukha at katawan ang pasaherong si Christopher Arnedo.

Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries ang driver ng truck. -- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.