ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Kamaynilaan, Marso 15-18

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2019 02:52 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Marso 15. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Marso 18, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND

  • C-5 (intersection ng C-5 Road at Julia Vargas Ave., intersection ng C-5 Road at Lanuza Avenue)
  • C-5 Road (SB at NB) kaharap ng SM Aura
  • EDSA New York Monte de Piedad (ika-3 lane mula sa bangketa)
  • Katipunan Ave. cor. CP Garcia (ikalawang lane/truck lane)

NORTHBOUND

  • Fairview Ave., Atherton hanggang Regalado Ave., North (Ika-2 lane mula sa center island)

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.