Pulis, ginulpi ng 5 lalaki sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2018 05:24 AM | Updated as of Jan 23 2020 01:09 PM

Watch more in iWantTFC

Sugatan ang isang pulis matapos pagtulungang bugbugin ng 5 lalaki sa Paco, Maynila.

Kuwento ni PO1 Christopher Pizzaro, binabagtas niya ang Peñafrancia St. sakay ng motorsiklo nang biglang banggain ng riding-in-tandem.

Hinarang din umano siya ng isa pang riding-in-tandem at isa pang lalaki at saka ginulpi.

Sumuko naman ang mga suspek sa Barangay 816 na napag-alamang magpipinsan pala at isa nilang tiyuhin.

Depensa ng isa sa mga suspek, inangasan sila ng pulis habang sakay ng motorsiklo. Pinaputukan pa umano sila ng baril ng pulis sa paa.

Aniya, napilitan silang sumuko para ibalik ang baril na kinuha mula sa pulis sa takot na barilin sila nito.

Ayon kay Senior Insp. Edwin Fuggan ng Pandacan police, maaaring mahaharap sa kasong physical injuries ang mga suspek.

Galing pa umano sa trabaho sa Beata Police Community Precinct ang biktima nang mangyari ang insidente.

Nagpapagamot na sa ospital si Pizzaro matapos magtamo ng mga sugat sa ulo at katawan. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.