3 miyembro ng pamilya, huli sa buy-bust sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2018 04:32 AM | Updated as of Nov 26 2018 06:40 AM

Arestado ang 3 miyembro ng isang pamilya sa buy-bust operation sa Barangay Cembo, Makati City Huwebes ng hatinggabi.

Nakuha sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kakalabas lang sa kulungan ng isa sa mga suspek dahil din umano sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ang kaniyang live-in partner ay dati rin umanong sangkot sa pagtutulak.

Hindi naman malinaw kung paano sangkot sa bentahan ang anak nilang 17-anyos.

Pinabulaanan ng lalaking suspek na sa kanila ang mga nasamsam na droga.

Mahaharap ang mag-live-in partner sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itu-turnover naman sa Department of Social Welfare and Development ang menor de edad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.