Ginang tiklo habang nagdodroga sa harap ng mga anak

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2017 12:52 PM | Updated as of Mar 15 2017 12:53 PM

MANILA - Inaresto ng mga pulis ang isang ginang at 3 nitong kasamahan matapos maaktuhang gumagamit ng droga sa harap ng kanyang mga anak sa Barangay 12, Caloocan Miyerkules.

Nilusob ng Northern Police District ang bahay ng ginang na si Irish Enguio dahil sa tip na ginagawa itong drug den.

Naabutan ng mga pulis sina Enguio at mga kasamahan na nagdodroga malapit sa mga anak niyang edad 2 taon, 1 taon at 2 linggo, ayon kay Sr. Insp. Cecilio Tomas.

Kasama sa mga naaresto ang kapatid ng ginang na si Melvin Enguio, gayundin sina Gilbert Tandog at Rowena Chu.

Nakuha mula sa grupo ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sasampahan sila sa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang dinala na ang mga anak ni Enguio sa Department of Social Welfare and Development.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.