Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin, tila iisa na lang daw ang hindi pa tumataas — at ito ay ang sweldo ng mga manggagawa.
Kaya naman pabor ang mga nakausap nating empleyado ng mga pribadong kumpanya, sa panukalang batas na itaas ang kanilang arawang sahod sa 750 pesos.
Sa kasalukuyan, nakapako sa 570 pesos ang minimum wage sa Metro Manila.
Bukod sa mataas na inflation rate sa bansa, sinusulong ng Makabayan bloc sa kamara ang across the board na umento sa sahod sa katwirang nakakabawi na ang pribadong sektor mula sa pandemya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.