PANOORIN: Mga opisyal, nagsagawa ng temperature check sa bus sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2020 11:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakunan ng video ni Bayan Patroller Ervin James Navales ang precautionary measure na pinangunahan ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Dinalupihan, Bataan, para sa mga pasaherong papasok sa kanilang probinsya pasado alas-9 ng gabi Sabado.

Sa video, makikitang bawat pasahero ay dumaan sa temperature check. 

Kuwento ni Navales, tumagal ito ng halos 10 minuto. 

Bago magsimula ipinaunawa muna ng mga kawani ng lokal na pamahalaan na ang hakbang na ito ay para maiwasan pang lumaganap ng COVID-19 sa kanilang lugar. 

Lahat ng pasahero sa bus ay nakibahagi at sa huli, wala namang nakitaan ng lagnat. 

Naunawan ni Bayan Patroller ang hakbang na ito at hinimok ang lahat na makiisa kung sakaling ipatupad din ito sa kanilang lugar. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.