Shabu at pampasabog, nasabat sa buy-bust sa Zamboanga City

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2019 11:45 PM

ZAMBOANGA CITY - Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga pakete ng hinihinalang shabu at pampasabog sa isang buy-bust operation sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, dati nang nakatakas sa isang operasyon noong Hulyo ang suspek. Nagtago ito sa nasabing barangay at nagrenta ng isang abandonadong mini van.

Nakuha mula sa kaniya ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu, dalawang MK-2 fragmentation grenade, at isang pampasabog.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na haharap sa kasong illegal possession of drugs and explosives.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.