Anak ng alkalde ng Sariaya, patay sa engkwentro

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2019 10:52 PM

MAYNILA - Patay ang anak ng alkalde ng bayan ng Sariaya sa Quezon matapos maka-engkwentro ang mga pulis Huwebes.

Dead on the spot ang anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na si Christian Gayeta, 21 anyos.

Ito'y matapos maka-engkwentro ang mga rumespondeng pulis ng Tayabas City na nakatanggap ng report na may nagpaputok ng baril sa isang gasolinahan sa Barangay Baguio.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Rojas ng Tayabas Police, nakatanggap ng reklamo ang city hall text hotline mula sa isang gasoline boy na pinaputukan siya ng dalawang beses ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Masuwerteng hindi siya tinamaan.

Agad rumesponde ang mga pulis subalit pinaputukan umano sila ng 2 nakamotorsiklo kaya nangyari ang engkwentro na ikinamatay ni Gayeta at ang isa pang lalaking angkas nito.

Narekober ang isang kalibre .45 at kalibre .22 na baril mula sa dalawang napatay.

Duda naman si Sariaya Mayor Marcelo Gayeta sa pagkakabaril sa anak kaya hiniling nito na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-imbestiga sa insidente.

- ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.