Away mag-asawa, nauwi sa trahedya sa Legazpi City

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2017 12:26 PM

Patay ang isang 30-anyos na babae matapos mabagok ang ulo nito sa kariton nang itulak ng kanyang asawa sa gitna ng kanilang pagaaway sa Legazpi City.

Isinisisi ngayon ng 12-anyos na si Ryan sa ang kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina na si Phibbles Tripulca.

Tama sa ulo at likod ang tinamo raw ng kanyang ina nang bumagsak sa kariton.

Kwento ni Ryan, ang nagiisang anak ng mag-asawa, nag ugat ang pagaaway ng dalawa nang humingi ng pera ang kanyang nanay na pambili nila ng makakain. 

Alas-dos na raw kasi ng hapon noong Lingo, hindi pa sila nakakapananghalian.

Isa ang pamilya ni Ryan sa mga nasunugan ng bahay sa Victory Village noong nakaraang buwan.

Ang ina naman ng biktima ay desidido na masampahan ng kaso ang asawa ng kanyang anak na si Solomom, lalo pa't ilang beses na rin daw nitong sinaktan ang kanyang anak.

Sa tala ng Women and Children Protection Desk ng Legazpi Police, Enero hanggang Pebrero ngayong taon nasa 92 na ang kaso ng violence against women and children na kanilang naitala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.