3 notorious na magnanakaw ng motorsiklo, tiklo

Dennis Datu, DZMM

Posted at Mar 14 2017 11:41 AM

Naaresto ng Manila Police District ang tatlong lalaki na notorious umano sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Maynila.

Ayon kay Superintendent Alex Daniel, hepe ng MPD Station 7, naaresto sa follow up operation sa Perfecto Street sa Tondo, Maynila ang mga suspek na kinilalang sina VJ Bautista, Ferdinand Constantino, at Anjun Dela Cruz.

Pinakahuling biktima ng mga suspek ay isang pulis na nagparada lamang ng kanyang motorsiklo sa labas ng isang supermarket sa Sampaloc.

Sa follow up operation, natunton ang mga suspek sa Tondo at kasama sa narekober ang iba pang nakaw na motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.