PARIS - Tumagal ng limang araw mula noong March 7 hanggang March 11 ang protesta para tutulan ang hakbang ng gobyerno na itaas ang retirement age sa 64 taong gulang para sa mga kababaihan at 68 taong gulang para sa mga kalalakihan.
Tinatayang umabot sa higit 3.5 milyong raliyista ang ang nakiisa mula sa iba’t ibang parte ng France. Sa Paris, paralisado ang transportasyon dahil madalang ang underground train, bus at tramway.
Nagkalat at tambak rin ang mga basura dahil hindi nakolekta ng mga basurero. Maaga ring nagsara ang Ilang bangko, restaurants at ilang gate ng metro.
Umaaray naman ang mga Pinoy dahil hirap silang makapasok dulot ng pagkaparalisa ng transportasyon sa buong kalungsuran.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.