PatrolPH

Pinakamatandang Katolikong obispo sa Pilipinas, pumanaw na, ayon sa pamilya

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2023 07:16 PM

Pumanaw na nitong Marso 11, 2023 si Retired Bishop Angel Hobayan ng Simbahang Katolika. Larawan mula sa Facebook page ng Diocese of Catarman.
Pumanaw na nitong Marso 11, 2023 si Retired Bishop Angel Hobayan ng Simbahang Katolika. Larawan mula sa Facebook page ng Diocese of Catarman.

Pumanaw nitong Sabado si Retired Bishop Angel Hobayan sa edad na 93.

Si Hobayan ang kauna-unahang obispo ng Diocese of Catarman ng Simbahang Katolika. Nagsilbi siya sa Simbahang Katolika sa loob ng 30 taon.

Ayon sa CBCP o Catholic Bishops' Conference of the Philippines, si Hobayan ang pinakamatandang obispo sa Pilipinas.

Pumanaw si Hobayan alas-2:30 ng madaling araw habang nasa isang ospital sa Metro Manila.

Tubong Taft, Eastern Samar si Hobayan at naging pari noong March 25, 1955.

Naging vicar general siya ng Diocese of Borongan, at naging first rector ng Seminario de Jesus Nazareno.

Noong 1974, itinalaga ni Pope Paul VI si Hobayan bilang unang obispo ng Diocese of Catarman.

Nagretiro si Hobayan noong March 10, 2005 matapos makaabot sa mandatory retirement age na 75.

Nanawagan si Diocese of Catarman Bishop Emmanuel Trance ng panalangin para sa namayapang obispo.

Wala pang anunsiyo kung kailan ang libing ni Hobayan.

- ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.