Courtesy: Bayan Patroller Johnsan Cristobal
Isang sunog ang sumiklab sa bahaging block 4 ng Baguio Public Market gabi nitong Sabado.
Sa video na ipinadala ni Bayan Patroller Johnsan Cristobal, kitang-kita kung gaano kalaki ang sunog sa palengke.
Sa Facebook post na inilabas ng Public Order & Safety Division ng Baguio City LGU, sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na bandang alas-11 ng gabi nagsimula ang sunog.
“Around 11 p.m. nagsimula 'yung sunog. Sa initial report natin, 'yung entire block 4 at half ng block 3 ang totally damaged. And we are looking [at] 1,700 stalls affected out of 3,900 stalls," sabi ni Magalong.
Nagdeklara ng 'fire confined but not controlled' si City Fire Marshal Marisol Odiver bandang ala-1:40 ng umaga, at 'fire out' bandang alas-4:38 ng madaling araw ng Linggo.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Baguio City Fire Station upang malaman kung ano ang pinagmulan ng sunog.
- Ulat ng Bayan Mo Ipatrol Mo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.