#WalangPasok: Biyernes, Marso 13, 2020 dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 03:48 AM | Updated as of Mar 13 2020 12:26 PM

MAYNILA (3rd UPDATE) — Ilang lokal na pamahalaan ang nagkansela ng pasok sa eskuwela sa kanilang mga lugar bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Unang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok hanggang Abril 12, sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Metro Manila bilang paghahanda sa pagsasailalim nito sa "community quarantine."

Narito ang listahan ng mga lalawigang suspendido ang klase

  • BAGUIO CITY (hanggang Marso 22)
  • TACLOBAN CITY (hanggang Marso 20)
  • CAVITE (buong lalawigan, hanggang Marso 14)
  • BULACAN (buong lalawigan, hanggang Marso 14)
  • ILOCOS SUR (buong lalawigan, hanggang Abril 12)
  • TARLAC
    - Capas (hanggang Marso 14)
  • BATANGAS
    - Lipa (hanggang Marso 14)
    - Tanauan City (hanggang Marso 14)
    - San Jose (hanggang Marso 14)
  • LAGUNA
    - Cavinti
  • LANAO DEL SUR (hanggang sa susunod na anunsiyo)

Itinaas sa Code Red Sub-level 2 ang alarma ng kalusugan bilang hakbang laban sa pagkalat ng sakit. 

Nilinaw rin niya na patuloy na mag-aaral ang mga estudyante sa kanilang mga bahay habang walang pasok sa mga paaralan.

Tutulong din ang pulisya at mga lokal na opisyal para maipaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon, ayon kay Duterte.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 52 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.