Taxi driver sa Butuan City nagsauli ng backpack na may P1 milyon

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 05:33 PM | Updated as of Mar 13 2020 05:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hinahangaan ngayon ang isang taxi driver sa pagsauli niya ng naiwang backpack ng pasahero na naglalaman ng P1 milyon sa Butuan City. 

Sinundo ng driver na si Christian Estrada ang dalawa niyang pasahero na mag-asawa sa isang hotel noong Miyerkoles. 

Pero pagkatapos ibaba ang mga ito sa bus terminal, napansin niyang nakaiwan ang mga ito ng backpack. 

"Wala sila kabantay ako pud wala may gani nihapit kog tindahan kay naa koy gipalit pagbalik nakog sakay nasiplatan nako ang bag," kuwento ni Estrada. 

"Hindi nila napansin, hindi ko rin napansin ang bag. Pagkahatid, dumaan muna ako sa tindahan para bumili. Pagbalik ko sa sasakyan, nakita ko ang naiwang bag."

Tumambad ang salapi nang makita ang loob ng backpack, at agad niya itong dinala sa police station. 

Personal na ibinalik ni Estrada ang backpack sa kaniyang mga pasahero. 

Gagamitin umano ng mag-asawa ang pera sa pagpapatayo ng kanilang bahay sa Cabadbaran City. 

Malaki ang pasasalamat ng amo ni Estrada na si Juanito Ubas sa ginawa ng kaniyang tsuper. 

“Nagpasalamat pud kog daku nga naka driver mig pareho niya nasurprise ko sa atong driver nga daku kaayong merit sa atong coop nga unta ang tanang drivers dili lang sa taxi ug tanan na nato nga unit ingon ana nga morespond," ani Ubas. 

(Laking pasasalamat namin na may driver kaming kagaya niya. Na-surprise talaga ako sa ginawa niya. Sana lahat ng drivers, hindi lang sa taxi, kundi sa lahat ng units, sana kagaya niya rin ang tugon [kapag naharap sa parehong sitwasyon)

-- Ulat ni Charmaine Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.