Saludo sa sakripisyo: Frontliners vs COVID-19 pinuri ng netizens

James Amante, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 11:01 PM | Updated as of Mar 13 2020 11:09 PM

Idinaan ng mga Pinoy sa social media ang pasasalamat para sa mga health workers at eksperto na nangunguna at patuloy na tumutugon laban sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kabilang sa mga nagparating ng kanilang pasasalamat ang dating Comelec commissioner na si Gregorio Larrazabal.

"Thank you to all the tired, exhausted but still-working health workers in the Philippines," ani Larrazabal sa kaniyang tweet.

"There will be rough days ahead. You will be tested even more. Pushed to the limit. But know that your efforts and sacrifices do not go unnoticed, including (Department of Health)," dagdag niya.

"People might forget to tell you personally THANK YOU, but know that WE appreciate and recognize your heroism," ani Larrazabal.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mga patuloy na naglilingkod sa gitna ng panganib ng COVID-19.

"Saludo kami sa inyong dedikasyon, kasipagan at kabayanihan! Gabayan at proteksyunan nawa tayong lahat ng Maykapal," anang PBA.

Narito pa ang mga nagpaabot ng kanilang pagpupugay:

Kamakailan din ay naging trending topic sa Twitter ang #SalamatUP matapos ianunsiyo ang bagong gawang test kit na binuo ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).

Mapapadali nito ang pagsasagawa ng mga test, na malaking tulong sa pagsugpo sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mas mura rin ito kumpara sa imported kits na kasalukuyang ginagamit ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).