Supendido ang klase mula kindergarten hanggang kolehiyo sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan simula Marso 13 hanggang 20 sa Tacloban City ayon sa inilabas executive order ni Mayor Alfred Romualdez bilang pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“It might be too risky to have classes continue considering that, you know we have a hundred students here both from the public and private schools so as a pre-cautionary measure I am issuing this executive order,” ani Romualdez.
Inatasan ang mga eskwelahan na magsagawa disinfection at sanitation sa kani-kanilang paaralan alinsunod sa mga health advisories ng Department of Health.
Ayon sa Tacloban City Health Office, wala pang nagpositibo sa COVID-19 sa siyudad pero mayroong 2 person under monitoring (PUM) na naka-home quarantine ngayon at isang patient under investigation (PUI) na dinala sa referral hospital nitong Miyerkoles at isinailalim sa 14-day quarantine. -Ulat ni Geron Ponferrada, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, Regional News, COVID-19, coronavirus, Alfred Romualdez, class suspension