PatrolPH

ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila, Marso 13-16

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2020 03:44 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang parte ng Metro Manila simula Biyernes. 

Magsisimula ang pagkukumpuni alas-11 gabi ng Biyernes, Marso 13 sa mga sumusunod na kalsada: 

SOUTHBOUND:

• A. Bonifacio Ave. Sgt. Rivera St. hanggang Bansalangin St. (unang lane mula sa bangketa)
• EDSA Balintawak hanggang Dario Bridge (unang lane mula sa center island)
• EDSA approach B ng P. Tuazon flyover hanggang approach A ng Boni Serrano flyover (katabi ng bangketa)

WESTBOUND:

• General Luis St. malapit sa SB Road
• Congressional Ave. Ext., hanggang UP Professor Subdivision (ika-3 lane mula sa bangketa)
• Elliptical Road hanggang Kalayaan Ave. hanggang Maharlika St. (ika-3 lane mula sa loobang bangketa)

NORTHBOUND:

• Mindanao Ave. mula Tandang Sora hanggang D. Munoz St. (ika-2 lane mula sa bangketa)
• EDSA Q.C. pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang New York St. (ika-3 lane mula sa bangketa)

Bubuksan ang mga nabanggit na kalsada alas-5 ng umaga ng Lunes, Marso 16. 

Inabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.