Paglilinis ng higit 200 estero sa Kamaynilaan ikinasa

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2019 11:57 AM

Nakatakdang ilunsad ng Department of Environment and Natural Resources ang isang malawakang paglilinis sa mga estero sa buong Kamaynilaan.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, magkakaroon ng dayalogo ang DENR sa mga local government unit, partikular na ang mga lugar na may estero na dumadaloy patungo sa Manila Bay, ngayong Marso 23 para talakayin ang magiging trabaho sa paglilinis ng mga estero.

Aniya, 210 estero sa Metro Manila ang sabay-sabay na lilinisin sa tulong ng mga LGU at tinatayang 165 mga barangay.

Sa ngayon, inaasikaso na rin ng DENR at Department of Public Works and Highways ang mga nanigas na tambak ng burak at basura sa seabed ng Manila Bay para sa mas mabilis na dredging operation.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.