PatrolPH

P120-K halaga ng droga nasabat sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2019 09:58 PM

KABANKALAN CITY - Dalawang itinuturing na high-value target ang arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa Barangay Binicuil, Kabankalan City, Negros Occidental Lunes ng gabi.

Isa sa mga naaresto ang 43 anyos na lalaking umano'y miyembro ng Bugalon Drug Group. Arestado rin ang kasama nito na dati na umanong sumuko sa Oplan Tokhang.

Sampung sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa dalawa na tinatayang nagkakakahalaga ng P120,000.

Kasalukuyang nakapiit ang dalawang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.